dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa Indonesian Presidential Frontrunner na si Defense Minister Prabowo Subianto

Nagpaabot na ng maagang pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, na nangunguna sa botohan sa presidential elections sa Indonesia.

Sa post sa kanyang X Account, inihayag ng Pangulo na umaasa siya sa pagpapalalim pa ng ugnayan ng Pilipinas sa Indonesia na isang malapit na kapitbahay at partner sa ASEAN.

Ito ay kasabay na rin umano ng pagdiriwang ng ika-75 Anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Inaasahan na ang tagumpay ni Prabowo na nakuha na ang mahigit kalahati ng mga boto sa kanilang eleksyon.

Si Prabowo ay inendorso ni outgoing Indonesian President Joko Widodo.

About The Author