dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo sa nasungkit na 2 gold medal sa FIG Artistic Gymnastics World Cup

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Pinoy World-class gymnast na si Carlos Yulo.

Ito ay matapos magkamit ang atleta ng dalawang gintong medalya sa 2023 FIG Artistic Gymnastics World Cup series sa Baku, Azerbaijan.

Sa social media post, pinuri ng Pangulo si Yulo dahil sa muling pamamayagpag nito sa mundo ng gymnastics.

Kaugnay dito, hinimok ni Marcos ang 23-anyos na gymnast na patuloy na gumawa ng kasaysayan.

Matatandaang nag-bulsa si Yulo ng gold medal sa men’s parallel bars habang nasungkit din nito ang ginto sa IG Artistic Gymnastics apparatus sa World Cup.

About The Author