Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Inter-Agency Council Against Trafficking at Presidential Anti-Organized Crime Commission na palakasin ang kampanya laban sa Human Trafficking.
Sa pagpupulong sa Malacañang, inatasan ng pangulo ang IACAT at PAOCC na buwagin ang operasyon ng human traffickers na nananamantala sa kahinaan ng vulnerable sector partikular na ang mga kababaihan, kabataan, at mga nawalan ng kabuhayan sa harap ng pandemya.
Bukod dito, inutusan din silang makipagtulungan sa pribadong sektor laban sa human trafficking na umanoy makasasama sa ekonomiya at national security.
Ipagmalaki naman ng Chief Executive na nagawang mapauwi ng pamahalaan ang mga biktima ng human trafficking sa Myanmar sa kabila ng gulo sa nasabing bansa.