dzme1530.ph

PBBM, ipinag-utos na ang pagbibigay ng ₱20,000 SRI sa gov’t employees para sa taong 2024

Loading

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng ₱20,000 Service Recognition Incentive sa mga kawani ng gobyerno para ngayong 2024.

Sa Administrative Order no. 27, nakasaad na kabilang sa mga tatanggap ng SRI ang civilian personnel sa national gov’t agencies kabilang ang mga nasa State Universities and Colleges at Gov’t Owned or Controlled Corp., na nasa regular, kontraktwal, o casual positions.

Kasama rin ang military at uniformed personnel mula sa AFP, PNP, BFP, BJMP, BuCor, PCG, at National Mapping and Resource Information Authority.

Ang mga kuwalipikadong gov’t employee ay dapat nakapag-render ng apat na buwan o pataas na satisfactory service hanggang noong Nov. 30, 2024.

Ipatutupad naman ang pro-rated SRI para sa mga hindi pa umabot sa apat na buwan ang serbisyo, kabilang ang 40% SRI para sa naka-tatlong buwan, 30% sa dalawang buwan, 20% sa isang buwan, at 10% sa wala pang isang buwan.

Hindi naman kasali sa SRI ang consultants at experts, laborers sa job contracts o pakyaw, student workers at apprentices, at job order o contract of service workers.

Ang SRI ay maaari nang ibigay simula sa Dec. 15. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author