dzme1530.ph

RUSSIA, BINOMBA ANG KYIV, ISANG ARAW MATAPOS ANG PAGBISITA NG DALAWANG US ENVOYS

Loading

Inatake ng Russia ang kabisera ng Ukraine na Kyiv sa pamamagitan ng missiles at drones, na ikinasawi ng tatlong katao.
 
Nangyari ito, isang araw matapos bumisita sa rehiyon ang US envoys na sina Steve Witkoff at Jared Kushner, para sa layuning simulan ang naudlot na peace talks.
 
Malalakas na pagsabog ang narinig, pagkatapos ma-expire ang napagkasunduang tatlong araw na hindi paglulunsad ng mga pag-atake dahil sa pagbisita ng mga emisaryo mula sa Estados Unidos.
 
Ayon sa Interior Ministry ng Ukraine, tatlong indibidwal ang nasawi habang dalawampu’t limang iba pa ang nasugatan sa pag-atake, na kinapapalooban ng ballistic at cruise missiles, pati na drones.

About The Author