Ikinadismaya ni Sen. Pia Cayetano ang pagtapyas sa pondo para sa health at education sector sa ilalim ng 2025 proposed national budget.
Ito ay makaraang mabawasan ng ₱25.8 billion ang panukalang pondo para sa Department of Health; halos ₱12 bilyon sa Department of Education, ₱26.91 billion sa Commission on Higher Education at ₱641.38 million sa University of the Philippines.
Binigyang-diin ni Cayetano na ang national budget, ang principal development tool ng gobyerno na nagpapakita ng prayoridad ng gobyerno.
Batay aniya sa budget cut lumilitaw na hindi ang kalusugan at edukasyon ang inuuna ng pamahalaan.
Ang pagtapyas anya sa pondo ay direktang may epekto sa mga Pilipino na lubha nang nahihirapan sa pagpapanatili ng kalusugan at pag-aaral ng mga anak.
Nakababahala anya ang naging pagbabago sa panukalang budget. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News