dzme1530.ph

PBA, Coach Johnny Abarrientos pinagmumulta matapos mag dirty finger

Pinagmumulta ng Philippine Basketball Association (PBA) ng P10,000 ang assistant coach ng Magnolia Hotshots na si Johnny Abarrientos makaraang mag-dirty finger kay Converge Import Jamaal Franklin sa kanilang laro noong linggo.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kinausap na niya si Abarrientos tungkol sa insidente na lubos naman aniyang pinagsisihan ng assistant coach.

Idinagdag ni Marcial na bukod sa multa ay pinagsabihan din niya si Abarrientos na huwag na nitong uulitin ang pambabatos.

Ginawa ni Abarrientos ang pambabastos sa 1:05 mark ng 4th quarter kung saan naipasok ni Franklin ang three-pointer para umangat pa ang Fiberxers sa 111 kontra sa 105 ng Hotshots.

Wagi ang Converge sa Score na 111-109 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo at pangunguna sa Team Standings sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

About The Author