dzme1530.ph

59 patay, 150 sugatan sa pagsabog ng bomba sa Mosque sa Pakistan

Inatake ng suicide bomber ang Mosque sa loob ng isang Police compound sa hilagang silangan ng Peshawar sa Pakistan na ikinasawi ng 59 katao at mahigit isang-daan at limangpung katao ang sugatan.

Sinabi ni Ghulam Ali, Governor ng Khyber Pakhtunkhwa Province, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa naturang pag-atake.

Karamihan sa casualties ay mga pulis dahil ang mosque ay nasa loob ng compound na nagsisilbi bilang police headquarters sa lungsod.

Sa pagtaya ng mga otoridad, higit na 300 mga mananampalataya ang nasa loob ng Mosque ng sumabog ang bomba.

Palaisipan pa kung paano nakapasok ang suicide bomber sa police compound na high-security zone sa Peshawar, kung saan matatagpuan din ang ilang government buildings.

About The Author