Ito ang naging reaksyon ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa naging pahayag ni Chief Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile na kung siya umano ang masusunod ay ipapaaresto nito ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa sandaling pumasok ang mga ito sa bansa dahil wala sila umanong sovereign power sa Pilipinas.
Ayon kay Sen. Dela Rosa nakahanap ng katapat ang ICC sa katauhan ni Enrile at pinagdiinin na walang karapatan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing mga kaso ng Extra Judicial Killings sa ilalim ng War On Drugs ng nakalipas na Duterte administration.
Iginiit ni Sen. Dela Rosa, gumagana naman ang Justice System sa bansa kaya dapat nang ipaubaya ang pag iimbestiga sa ating korte at hindi dapat panghimasukan ang ICC.
Si Sen. Dela Rosa ang dating Philippine of National Police (PNP) Chief sa ilalim ng administrasyon Pangulong Rodrigo Roa Duterte na inakusahan ng Crime Against Humanity sa ICC dahil sa mga kaso ng extra judicial killings nang ipinatupad nila na giyera kontra illegal na droga sa bansa.