dzme1530.ph

Patrick Coo, wagi ng silver medal sa BMX Competition sa Indonesia

Sinimulan na ni Patrick Coo ang kanyang kampanya para mag-qualify sa Paris Olympics sa pamamagitan ng nasungkit na silver medal sa Indonesia BMX 2023 round 1 sa Pulonas International Bmx Center sa Jakarta.

Napanalunan ni Gusti Bagus Saputra ng Indonesia ang gintong medalya sa pamamagitan ng 33.919 seconds habang kinapos lamang ang Filipino-American na si Coo ng 0. 20 seconds.

Ang isa pang Indonesian na si Rio Akbar ang nakakuha naman ng bronze medal sa time na 34.346 seconds.

11 riders ang nagkarera sa finals, kabilang ang lima pa mula sa Indonesia, dalawa mula sa South Korea at isa mula sa Thailand.

Umaasa si Coo na mapapabilang siya sa Summer Games sa Paris sa susunod na taon, kasama ang veteran na si Daniel Caluag.

About The Author