dzme1530.ph

Patay ang isang 16-anyos na estudyante matapos barilin sa ulo sa Basilan

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar ng krimen, dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo ang huminto sa tapat ng isang mini gym sa bayan ng Tipo-Tipo, ilang saglit lang ay bumaba ang angkas at binaril ang biktima.

Ayon kay Tipo-Tipo Police Chief Police Captain Dennis Alam, alitan sa pagitan ng pamilya ng biktima at pamilya ng bumaril ang nakikita nilang motibo sa krimen.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan at inaalam ng mga awtoridad ang dahilan sa pamamaril.

Nabatid na dumalo pa ng graduation practice ang junior high school student bago ito patayin.

About The Author