![]()
Pinalilinaw ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Philippine Reclamation Authority na linawin ang tinawag niyang selective justice o hindi pantay na pagpapatupad ng patakaran sa reclamation.
Binanggit ni Cayetano ang pagpapatigil ng mga proyekto sa Taguig habang nagpapatuloy ang mas malalaking proyekto ng Department of Public Works and Highways sa Laguna Lake.
Binigyang-diin ng senador na iisa ang implementing agency ng mga proyekto ngunit tila magkaiba ang naging pagtrato sa mga ito.
Tinukoy ni Cayetano ang Laguna Lake Road Network na proyekto na kinabibilangan ng pagtatayo ng mga kalsada at reclamation sa kahabaan ng Laguna Lake.
Sinabi naman ng PRA na nangako ang DPWH na babaguhin ang alignment at disenyo ng proyekto.
Kinuwestyon din ng senador ang pahayag ng PRA na naglabas na sila show cause order laban sa Taguig City gayung ang ipinadala lamang ay liham na humihingi ng kopya ng mga titulo ng lupa.
Iginiit niya na hindi Taguig ang may hawak ng mga hinihinging dokumento at dapat ang DPWH ang manguna sa pag-aayos at pagsusumite ng mga kailangang papeles.
