dzme1530.ph

DEFENSE TEAM NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE, UMAPELA SA ICC TRIAL CHAMBER NA IBASURA ANG TESTIMONYA NG ISANG TESTIGO NG PROSEKUSYON

Loading

Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court Trial Chamber na ibasura ang hiling ng prosecution na tanggapin ang naunang mga recorded testimony ng isang testigo.

Ipinaliwanag ng defense team na ang testimonya ng Witness P-1100 ay walang kinalaman sa kaso.

Binigyang-diin ng defense team na walang personal knowledge ang testigo sa mga pinag-uusapang kaso ng dating Pangulo.

Una nang sinabi ng prosekusyon na ang mga ebidensya ni Witness P-1100 ay magdidiin na mayroong polisiya upang i-neutralise ang mga kriminal na sangkot sa violent crimes, kabilang ang mga pagpatay.

Binigyang-diin din ng prosekusyon na pinatunayan sa testimonya ang modus operandi ng Davao Death Squad.

About The Author