![]()
Muling humarap sa pagdinig sa kasong graft ni dating Cong. Zaldy Co si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa Sandiganbayan.
Ang kaso ay may kaugnayan sa 289.4 million pesos na halaga ng proyekto sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sinabi ni Dizon na nadiskubre nila sa kanilang inspeksyon sa proyekto noong September 2025 na ang road dike ay mayroon lamang tatlong metro ng steel sheet pile na dapat ay 12 meters.
Sa ambush interview bago ang pagdinig, tinawag ni Dizon na kababuyan ang ginawa ng mga tiwaling opisyal sa mga proyekto.
Nangako si Dizon na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang papanagutin ang mga nasa likod ng anomalya kabilang na ang dating kongresista.
