dzme1530.ph

Pasaherong mula Doha, Qatar inaresto ng PNP AVSEGROUP sa Clark International Airport

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) at Mabalacat City Police Station ang isang 51-anyos na lalaking pasahero pagdating niya sa Clark International Airport mula Doha, Qatar.

Base sa report ng PNP Aviation Security Unit 3 nakipag-coordinate ang mga operatiba sa local unit ng Pampanga para arestuhin ang Isang pasaherong may nakabinbing warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Section 5(i) ng Republic Act 9262, na kilala rin bilang Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.

Matapos maaresto ang suspect na hindi pinangalanan ay agad dinala sa Mabalacat City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, habang ₱60,000 naman ang inirekomindang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Ayon kay PNP AVSEGROUP Director, PBGEN Christopher N. Abrahano, na ang kahandaan sa pagtugon ng mga tauhan ng AVSEGROUP, kasama ang mga local unit ng PNP, upang itaguyod ang batas at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad ng paliparan.

About The Author