dzme1530.ph

Partylist nominee, patay sa pananambang sa Sampaloc, Maynila

Loading

Patay makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin ang nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist na si Leninsky Bacud.

 

Nangyari ang krimen sa kahabaan ng P. Guevarra Street, sa Barangay 435, Zone 44, sa Sampaloc, Maynila.

 

Nakipagpalitan din umano ng putok ang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa isang Pulis at ilang mga sasakyan ang nasira.

 

Isinugod si Bacud sa ospital subalit hindi na ito naisalba pa.

 

Iniimbestigahan na ng Homicide Division ng Manila Police District ang naturang insidente.

About The Author