dzme1530.ph

Panukalang pagtatatag ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport, ganap nang batas!

Isa nang ganap na batas ang panukalang pagtatatag ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport.

Ayon sa Malacañang, nag-lapse into law ang Republic Act 11999 o ang “Bulacan Special Economic Zone and Freeport Act” noong June 13.

Kaugnay dito, magiging bahagi ng Bulacan ecozone ang mga proyekto sa airport.

Pamamahalaan ito ng bubuuing Bulacan Special Economic Zone and Freeport Authority (BEZA).

Magsasagawa ito ng konsultasyon sa National Economic and Development Authority para sa pagbuo ng general framework sa land use, planning, at development ng Bulacan ecozone nang naaayon sa Philippine Development Plan.

About The Author