![]()
KONTRA si Senate President Sherwin Gatchalian sa panukala ni Senador Robin Padilla na ibaba sa 10 taong gulang ang age of criminal responsibility.
Sinabi ni Gatchalian na ang kanyang sinusuportahan ay ang pagpapalakas ng operasyon ng mga Bahay Pagasa dahil dito narereporma ang mga bata.
Hindi anya tamang ikunsiderang kriminal na hindi na maaaring magbago ang batang minsang naliligaw ng landas.
Maliwanag din anya sa batas na hindi naman inaabswelto ang mga children in conflict with the law dahil sa Bahay Pagasa ay isinasailalim din sila sa reform measures.
Ang mga hindi anya magbabago ay maaari pa ring patawan ng parusa pagsapit nila sa hustong gulang.
Naninindigan si Gatchalian na mas dapat pag-aralan at ikonsidera ay ang pagbabawal sa 16 years old pababa sa paggamit ng social media.
