dzme1530.ph

DATING HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, BUMISITA SA BUROL NG TATLONG ESTUDYANTENG NAMATAY SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

Loading

Personal na binisita ni former Speaker Martin Romualdez ang burol ng tatlong estudyante na napatay sa San Jose National High School sa Tacloban City.
 
Personal na hinarap ni Romualdez ang mga magulang ng mga biktima upang ipaabot ang taos-puso nitong pakikiramay at mga salita ng pagdamay.
 
Naghatid rin ito ng tulong sa mga pamilya kasabay ng pag-aalay ng panalangin hindi lamang para sa mga namatay kundi pati sa mga nasugatan sa shooting incident.
 
Umapela rin ang dating House leader sa publiko na magkaisa sa pagpaparamdam ng suporta sa mga pamilya ng mga biktima.
 
Aniya, batid niya kung gaano kasakit ang idinulot ng insidenteng ito sa bawat pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa mga nasaktan.
 
Umaasa rin ito na sa lalong madaling panahon ay makakamit ang hustisya, kasabay ng pangakong magsusulong ito ng mga panukala upang hindi na muling maulit ang ganitong insidente sa mga paaralan.

About The Author