dzme1530.ph

CHED, NAG-ISYU NG SHOW CAUSE ORDER LABAN SA ATENEO KAUGNAY SA PAGKAMATAY NG DALAWANG STUDENT ATHLETES

Loading

Inisyuhan ng Commission on Higher Education ang Ateneo de Manila University makaraang mabigo ang unibersidad na magsumite ng mga dokumento kaugnay sa pagkamatay ng dalawang student-athletes.
 
Nag-ugat ang show-cause order sa hindi pagtugon ng Ateneo sa paulit-ulit na request para sa incident report kaugnay sa pangyayari sa Dipaculao, Aurora noong June 8.
 
Pinagpapaliwanag ng CHED ang Ateneo kung bakit hindi dapat maharap sa parusa dahil sa paglabag sa mga regulasyon sa off-campus activities at student supervision.
 
Sinabi ni CHED Chairperson Agrupis na hindi nila papayagang hindi matugunan ang mga tanong kaugnay sa pagkakalunod ng dalawang estudyante.

About The Author