dzme1530.ph

Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, asahan na bukas!

Muling magkakasa ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, August 29.

Batay sa oil industry sources, posibleng hanggang P0.70 per liter ang taas-presyo ng diesel habang nasa P0.10 hanggang P0.30 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Inaasahan namang tataas sa P0.50 hanggang P0.80 per liter ang patong sa presyo ng kerosene o gaas.

Kung magiging epektibo ang taas-singil, ito na ang ika-8 sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike sa diesel at ika-7 na linggo naman sa gasolina. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author