![]()
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vietnamese President To Lam sa sidelines ng 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting, sa Shenzhen, China, para paigtingin ang kooperasyon sa maritime affairs.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay din ng dalawang lider ang mga usapin na may kinalaman sa food security.
Sinabi ng PCO na tiniyak din ni Pangulong Marcos ang buong suporta ng Pilipinas sa pag-host ng Vietnam sa APEC 2027.
Idinagdag ng ahensya na pinagtibay din ng dalawang lider ang commitment ng Pilipinas at Vietnam sa regional cooperation at shared prosperity.
