![]()
Pinagkaitan ng impormasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni French Ambassador Marie Fontanel hinggil sa pugante at dating Cong. Zaldy Co.
Ito, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, matapos kumustahin ang naging meeting ng Pangulo sa French envoy noong Miyerkules.
Humihingi ng paliwanag si Marcos kung bakit hiniling ng France na pakawalan si Co mula sa kustodiya ng Czech Republic.
Sinabi ni Castro na hindi nagbigay ng anumang impormasyon ang French ambassador, dahil sa mahigpit na national at international laws, na iginalang naman ng Pangulo.
Idinagdag ng palace official na dismayado si Marcos sa pag-release kay Co mula sa kustodiya ng Czech authorities, at inilarawan ito bilang “very unsatisfactory.”
Una nang napaulat na humihingi ang dating mambabatas ng asylum sa France dahil sa umano’y political persecution sa Pilipinas.
