dzme1530.ph

ALAMIN KUNG ANO ANG SENYALES NA IBINIBIGAY NG PAGDAMI NG SKINTAGS SA KATAWAN

Loading

Ang maliliit na nakausling laman sa balat o kilala bilang skin tags o acrochordons ay maaaring hindi lamang simpleng cosmetic concern kundi posibleng indikasyon ng insulin resistance.

Ayon sa mga pag-aaral, ang insulin resistance ay nangyayari kapag hindi na epektibong nagagamit ng katawan ang insulin – ang hormone na tumutulong sa pagkontrol ng blood sugar.

Dahil dito, tumataas ang lebel ng insulin sa dugo na pinaniniwalaang nagti-trigger ng pagdami ng skin tags lalo na sa mga bahagi ng katawan gaya ng leeg, kilikili, talukap ng mata at singit.

Ipinaliliwanag ng mga doktor na bagama’t karaniwang hindi delikado ang skin tags, ang pagdami nito ay maaaring maging babala ng mas malalim na problema sa kalusugan, tulad ng type 2 diabetes at iba pang metabolic disorders.

Kung ang pagdami ng skin tags ay may kasamang pagtaas ng timbang at madalas na fatigue ay mas mabuting magpatingin sa doktor.

Pinapayuhan ang publiko na regular na magpa-check up, panatilihin ang balanseng diyeta, at mag-ehersisyo upang maiwasan ang insulin resistance.

About The Author