dzme1530.ph

ICC, MAGSASAGAWA NG STATUS CONFERENCE SA CRIMES AGAINST HUMANITY LABAN KAY FPRRD SA MAY 27

Loading

Magsasagawa ng status conference ang International Criminal Court Trial Chamber 3 sa crimes against humanity charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa May 27.

Sa limang pahinang direktiba, inatasan ng chamber ang prosecution, defense at public counsel at representative ng mga biktima kasama ang registry at iba pang unit ng ICC na maghain ng kanilang submissions sa May 15.

Kabilang sa submissions ay ang pagsisimula ng trial, mga inaasahang ebidensya sa panig ng prosekusyon, lenggwaheng gagamitin ng magkabilang panig, mga probisyon ng trial briefs, mga mosyon na nangangailangang resolbahin bago magsimula ang pagdinig at update at forecast sa mga karagdagang aplikasyon ng mga biktima.

Nangako ang Trial Chamber 3 na ila-live stream ang status conference sa ICC website subalit may delay na 30 minuto.

Ang ICC Trial Chamber 3 ay pinamumunuan ni Judge Joanna Korner.

About The Author