dzme1530.ph

ALAMIN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PROTINA SA MGA PASYENTENG SUMASAILALIM SA DIALYSIS

Loading

Mahalagang bahagi ng nutrisyon ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis ang sapat na pagkonsumo ng protina upang mapanatili ang lakas ng katawan at maiwasan ang malnutrisyon.
 
Ayon sa mga eksperto sa kalusugan, mas maraming protina ang nawawala sa katawan ng mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis dahil sa proseso ng paglilinis ng dugo.
 
Nakatutulong ang protina sa pagbuo at pag-aayos ng mga tissue, pagpapalakas ng mga kalamnan, pagpapagaling ng mga sugat, at pagpapanatili ng immune system.
 
Ilan sa mga pagkaing mayaman sa protina ang itlog, isda, manok, lean meat, at iba pang pagkaing may high-quality protein.
 
Mahalaga ring limitahan ang sodium, potassium, phosphorus, at liquid intake ayon sa payo ng doktor.
 
Pinapaalalahanan ang mga pasyente na kumonsulta sa nephrologist at registered dietitian upang makabuo ng angkop na meal plan at matiyak na nakukuha ang nutrisyong kailangan ng katawan habang sumasailalim sa dialysis.

About The Author