![]()
Natapos na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang inquest proceedings para sa 213 individuals na inaresto sa rally sa Sucat, Muntinlupa City noong Linggo.
Sinabi ng NCRPO na ang complaints ay uusad na sa prosecutorial stage, kasabay ng pagbibigay-diin na ang kanilang operasyon sa public assemblies ay nakamandatong magpatupad ng maximum tolerance.
Idinagdag ng NCRPO na ang pagkukustodiya ay hindi determination of guilt, at patuloy na taglay ng lahat ng respondents ang kanilang karapatan sa due process at presumption of innocence.
Inaresto ang mga nagpo-protesta noong Linggo sa kasagsagan ng rally laban sa Pax Silica Initiative at sa pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa para sa ASEAN Summit.