![]()
Matinding pinsala ang idinulot ng Ukraine sa mahalagang tulay na nag-uugnay sa Russia at inokupang Crimea, kasunod ng tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na “unprecedented operation” na ilang linggo nilang pinaghandaan.
Sa mga litratong ibinahagi ni Zelensky, makikitang bumagsak sa tubig ang bahagi ng Crimean Bridge na kilala rin bilang Kerch Bridge.
Sinabi naman ng Kremlin na ire-rebuild nila ang tulay, “better than before,” at naiparating na kay Russian President Vladimir Putin ang tungkol sa naturang pag-atake, bagaman hindi pa ito nagkokomento.
Samantala, inihayag ni Kyiv Mayor Vitali Klitschko na isinara ang Northern at Southern Bridges na kapwa mahalagang tawiran sa Dnipro River, matapos targetin ng Russia ang Ukrainian capital.
