![]()
Nakatakdang i-release ng 2NE1 leader na si CL ang kanyang comeback single na “Iconic.”
Sa 11-second video teaser, makikita ang salitang “Iconic,” na mayroong release date na November 20, 5 p.m., Philippine time.
Ang “Iconic” ang first single ni CL simula nang pumirma siya sa The Black Label, na associate company ng YG Entertainment.
Nag-debut si CL bilang solo artist noong 2013, sa pamamagitan ng single na “The Baddest Female.”
Nagkaroon ang 2NE1 ng Welcome Back World Tour noong 2024, na nagsilbing first reunion concert ng K-pop group simula nang ma-disband noong 2014.
Ang 2NE1 na binubuo nina CL, Bom, Dara, at Minzy ang nasa likod ng hits na “I Am the Best,” “I Don’t Care,” at “Fire.”
