dzme1530.ph

Pagtanggap ng ebidensya electronically sa impeachment laban kay VP Sara, posibleng isama sa bubuoing rules of court

Loading

Welcome kay Senate President Francis Escudero ang suhestyun ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino na isama sa binubuo na bagong rules of impeachment ang pagtanggap ng ebidensya electronically.

Pinag-iisipan ding isana ang virtual presentation ng mga ebidensya.

Sinabi ni Escudero na pinag aaralan nila ang mga kinakailangang innovation o pagbabago sa rules sa sandaling payagan ang pagtanggap ng ebidensya electronically at virtual na presentasyon ng mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pa aniya ang ginagawang pag-draft ng paiiralin o gagamiting rules of impeachment sa gagawing paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Una rito sinabi ni Tolentino na umaasa siyang isasama sa ginagawang pag-upgrade o pag-revise sa rules of impeachment ang pagtanggap at pagpresinta ng ebidensya electronically o virtually dahil pinapayagan na ito sa mga korte matapos ang naranasan nating COVID-19 pandemic.

About The Author