Umaasa ang grupong Manibela na muling masisimulan ang dayalogo kasama ang pamahalaan hinggil sa jeepney modernization program.
Kasunod ito ng pagtatalaga ng Malakanyang sa bagong kalihim ng Department of Transportation (DoTr) sa katauhan ni Vince Dizon, matapos magbitiw si outgoing Secretary Jaime Bautista.
Sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena, na dapat suspidihin muna ang implementasyon ng programa at ibalik ang mga prangkisa ng unconsolidated jeepney operators.
Idinagdag ni Valbuena na ang karanasan ng ilang transport cooperatives at corporations ay patunay na hindi dapat ipagpatuloy ang programa kung paano ito ipinatutupad ngayon.
Isiniwalat ng Transport Leader na marami na ang na-bankrupt na kooperatiba, gayundin ang mga hindi na tumatakbong units na alam aniya nila na madaling masira.