![]()
PINAMAMADALI na ni Senador Erwin Tulfo ang pagrebisa sa Oil Deregulation Law dahil lugi at kawawa anya ang taumbayan.
Ayon kay Tulfo, walang pakundangan ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa kasunod ng pagputok ng giyera sa Middle East.
Sinabi ni Tulfo na ang masaklap pa dahil sa batas, tanging pakiusap na lang ang magagawa ng pamahalaan sa mga kumpanya ng langis kapag tumaas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Kaya napapanahon anyang talakayin na ang inihain nilang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian para balikan at rebyuhin ang RA 8479 o ang Downstream Oil Deregulation Act of 1998.
Sinabi ni Tulfo na dapat makita kung magkano ang bili talaga ng mga oil company ng petrolyo sa abroad, magkano ang gastos nila at magkano ang tubo nila sa bawat litro.
Hinala anya ng lahat ay overpriced ang presyo ng petrolyo sa mga gasolinahan.
