dzme1530.ph

AMIHAN SEASON, POSIBLENG IDEKLARA SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Posibleng ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan season ngayong linggo o sa susunod na linggo.
 
Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, pababa na sa Luzon ang northeasterly wind flow na mula sa East Asia at kalaunan ay mapapalitan ito ng Northeast Monsoon.
 
Sa pagtaya ni Estareja, ang deklarasyon ay posibleng sa late October o early November.
 
Gayunman, inaasahang maaapektuhan ng El Niño phenomenon ang Amihan season at hindi kasinglamig ng karaniwang nararamdaman tuwing Kapaskuhan.
 
Idinagdag ni Estareja na marami pa rin namang bahagi ng Luzon at Visayas ang makararanas ng malamig na temperatura sa madaling-araw, subalit iinit pagsapit ng tanghali.

About The Author