dzme1530.ph

SERBISYO NG GOBYERNO, HINDI DAPAT MAPARALISA ANUMAN ANG KINAKAHARAP NA PROBLEMA NG BANSA, AYON KAY PBBM

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang pagtutok ng gobyerno sa mahahalagang programa, sa kabila ng krisis sa enerhiya.

Sa kanyang vlog, sinabi ng Pangulo na hindi naman maaaring pabayaan ang ibang programa ng pamahalaan, gaya ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagkalinga sa mga maysakit, at pagtulong sa mga mag-aaral.

Binanggit din ng Pangulo ang operasyon ng mga awtoridad laban sa paglaganap ng krimen.

Nagpapatuloy din aniya ang programang pabahay ng gobyerno at sa katunayan, sa nakalipas na ilang taon ay libu-libong pamilya na ang nabigyan ng disenteng tirahan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).

Binigyang-diin ni Marcos na tuloy ang trabaho ng lahat ng sangay ng gobyerno dahil hindi aniya maaaring maparalisa ang serbisyo, anuman ang problemang kinakaharap ng bansa.

About The Author