![]()
Pinag-aaralan ng mga awtoridad na palawakin ang permanent danger zone sa Bulkang Mayon sa pitong kilometro mula sa anim na kilometro.
Bahagi ito ng precautionary measure bunsod ng patuloy na pag-alboroto ng bulkan.
Katulad na lamang ito ng naitalang malawakang ashfall sa mga komunidad ng Albay partikular sa Guinobatan at Camalig.
Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa six kilometer permanent danger zone dahil sa posibilidad na rockfall, landslide, pag-agos ng lava at lahar, pyroclastic density current at pagsabog.
