![]()
Sampu ang patay habang mahigit 70 ang nasugatan sa drone at missile strikes ng Russia sa Ukraine.
Ayon sa Ukrainian officials, limang rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng fatalities, sa gitna ng patuloy na pag-target ng Moscow sa Ukrainian cities, sa pamamagitan ng regular drone at missile attacks.
Samantala, inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na tatlong Russian oil tankers, isang cruise-missile carrier warship at isang patrol boat ang tinamaan sa magkahiwalay na pag-atake sa dalawang Russian ports.
Wala pang detalye sa naging pinsala sa mga barko, bagaman sinabi ni Zelensky na ang tankers ay bahagi ng “shadow fleet” ng Russia na ginamit para makatakas sa western sanctions na ipinatupad dahil sa full-scale invasion ng Moscow noong 2022.
