![]()
Nananatili sa Alert Level 3 ang estado sa paligid ng Bulkang Mayon sa kabila ng malakas na ashfall noong Sabado.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Office of Civil Defense spokesperson Junie Castillo, 87 barangays ang apektado ng pag-aalboroto ng bulkan.
Kabuuang 30,000 pamilya o katumbas ng mahigit 100,000 individuals ang apektado kung saan 1,438 families ang nananatili sa mga evacuation centers.
Tiniyak ni Castillo na nagpapatuloy ang aksyon ng iba’t ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa Albay.
