dzme1530.ph

PAGPAPALALIM SA GUMAIN RIVER, IPINAG-UTOS NG DPWH MATAPOS GUMUHO ANG DIKE SA LUBAO, PAMPANGA

Loading

Ipinag-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang dredging o pagpapalalim sa Gumain River kasunod ng pagguho ng dike sa Lubao, Pampanga.
 
Kahapon ay ininspeksyon ni Dizon ang nag-collapse na dike sa Barangay Sto. Cristo.
 
Sinamahan siya nina Pampanga Gov. Lilia Pineda, Vice Gov. Delta Pineda, at Lubao Mayor Esmie Pineda.
 
Ayon sa DPWH, bumagsak ang dike sa naturang barangay bunsod ng malakas na agos mula sa umapaw na tubig sa Gumain River at Sto. Cristo Dam.

About The Author