“Saddest day in Philippine history.”
Ganito inilarawan ni Sen. Bong Go ang buong araw ng pag-aresto hanggang paglipad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague.
Hindi rin napigilan ng senador ang kanyang emosyon ilang minuto matapos lumipad ang eroplanong lulan ang dating Pangulo.
Sinabi ni Go na nasasaktan siya sa nangyayari kay dating Pangulong Duterte sa kabila ng aniya’y ginawa nito para sa Pilipino.
Hindi lamang aniya isang mentor kundi parang tunay na ama sa kanya ang dating lider ng bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Go sa kapwa Pilipino na hindi pa rin siya titigil sa pagseserbisyo.