dzme1530.ph

Paglilipat ng stocks ng bigas patungong Visayas, ipinag-utos ng DA sa NFA

Loading

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa National Food Authority (NFA) na simulan nang ilipat sa Visayas ang mga stock na bigas.

 

Ito ay bilang paghahanda para sa paglulunsad ng 20 pesos per kilo rice program, kasunod ng pag-exempt ng Comelec sa naturang programa mula sa election spending ban.

 

Ayon sa Department of Agriculture, manggagaling ang bigas sa buffer stock ng NFA, na umabot sa five-year high na 7.17 million na 50-kilogram bags.

 

Sa statement, sinabi ni Tiu Laurel na tatagal ng ilang linggo bago mailipat ang libo-libong sako ng bigas mula sa warehouses ng NFA, partikular sa mindoro, patungo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas.

About The Author