dzme1530.ph

Paglalagak ng puhunan ng MIC sa NGCP, dapat pag-aralang mabuti

Iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano na dapat araling mabuti ang paglalagak ng puhunan ng Maharlika Investment Corporation sa National Grid Corporation of the Philippines.

Para kay Cayetano, maituturing itong ‘not so good investment’ kaya’t dapat din munang himaying mabuti ang detalye ng investment.

Kung ang senador ang masusunod ay mas nais niyang pagtuunan ng investment ang tollways.

Binigyang-diin ng mambabatas na wala pang tollway sa Pilipinas ang nalugi kaya naman tiyak na protektado ang investment na ipapasok dito.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Cayetano na suportado niya ang pagpasok ng MIC sa NGCP basta’t malinaw ang mga kondisyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author