dzme1530.ph

Paglalabas ng warrant of arrest vs sa mga suspek ng Percy Lapid slay, pinamamadali

Pinamamadali ng kampo ni Percival Mabasa ang paglalabas ng arrest warrant matapos kasuhan ng state prosecutors ang mga suspek laban sa pagpaslang sa brodkaster.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya mabasa na si Bertini Causing, at kanilang abogado na si Danilo Pelagio, inaasahan nilang ipalalabas ang warrant of arrest ngayong linggo.

Batay sa resolusyon na may petsang March 9 ng mga prosecutor ng Department of Justice, nakasaad dito na nahaharap sa kasong murder sina suspended Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at dating BuCor Deputy Officer na si Ricardo Zulueta.

Gayundin, ang self-confessed gunman na si Joel Escorial at iba pang mga preso sa pagpatay kay Lapid at itinuturong middleman na si Jun Villamor.

Umaasa naman ang kampo ni Mabasa na haharapin ni Bantag at mga akusado ang naturang kaso.

About The Author