dzme1530.ph

Implementasyon ng motorlane, sinuspinde ng MMDA

Sinuspende ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng motorlane matapos ang maraming hinaing na natanggap ng ahensya dahil sa malubak at baku-bakong daan ng Commonwealth Ave.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Secretary Manuel Bonoan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naghihintay pa sila ng pondo para sa pagpapagawa ng daan.

Dagdag din ni Bonoan, mahihirapan din kumpunihin ang mga daan dahil marami rin ginagawa sa Commonwealth Avenue.

Samantala, nanindigan ang kalihim na paiigtingin nito ang tibay sa mga gagawin nilang mga proyekto lalo’t marami sa ating mga motorista ang hindi kuntento sa tibay ng daan na ginagawa ng ahensya.

About The Author