dzme1530.ph

Pagkukumpuni sa mga bahagi ng EDSA, nakatakdang simulan ngayong Mayo

Nakatakdang simulan ngayong buwan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa mga bahagi ng EDSA, upang patatagin ang kasalukuyang imprastraktura.

Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) regional director Loreta Malaluan, sisimulan ngayong Mayo ang rehabilitation work sa Magallanes flyover, at tinatayang tatagal ito ng anim na buwan.

Bukod aniya rito ay magsasagawa rin ng retrofitting works sa 60-year-old na Guadalupe bridge ngayong taon.

Noong May 1 ay isinara ang Southbound lane ng Kamuning flyover para bigyang daan ang pagkukumpuni rito na inaasahang tatagal hanggang October 25, 2024.

About The Author