dzme1530.ph

Pagkatapos sa Iloilo, PBA All Star Weekend, sa Bacolod naman

Matapos ang matagumpay na laro sa Iloilo, sa susunod na taon ay ang Bacolod City naman ang dadayuhin ng PBA All-Star Weekend.

Sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, mismong si Bacolod City Mayor Albee Benitez ang nagkumpirma sa pag-host ng laro.

Hindi ito ang unang beses na dadayo ang PBA All-Star Weekend sa tinaguriang City of Smiles Bacolod, dahil minsan na itong nag-host ng laro noong 2008.

Sa ngayon, isinasapinal pa ng lungsod ng Bacolod ang mga venue kung saan gaganapin ang nasabing basketball event.

Una rito, tuwang-tuwa si Marcial sa katatapos na laro sa Passi City sa Iloilo dahil sa napakainit na pagsalubong ng mga mamamayan doon at ito na aniya ang maituturing niyang pinakamatagumpay na All-Star Weekend.

About The Author