dzme1530.ph

Pagbunot ng baril ng isang pulis sa harap ng sasakyan ni Rep. Castro, iimbestigahan

Humihingi ng imbestigasyon si ACT Teacher party-list Rep. France Castro, sa PNP kaugnay ng insidente sa pagbunot ng baril ng isang pulis sa harapan ng kanyang sasakyan sa Taguig City kagabi.

Ibinahagi ni Castro sa Quad Comm ang nakababahalang insidente kagabi sa gitna ng matinding traffic ay biglang may pulis na bumunot ng baril.

Nangangamba ito dahil subject siya ng maraming pagbabanta at paninira sa pangunguna ng NTF-ELCAC at Duterte camp.

Agad namang kumilos si Quad Comm Lead Chairman Robert Ace Barbers, at inatasan ang PNP na magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon naman kay former Rep. Antonio Tinio, kailangang magpaliwanag ang PNP sa insidenteng ito, kung ito ba ay co-incidence lamang, legitimate police operation o sadyang tinatakot ang progresibong kongresista. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author