dzme1530.ph

Pagbibigay ng rason sa withdrawal form sa pagbawi ng pirma sa P.I, optional lang —COMELEC

Nilinaw ng Comelec na “optional” lamang ang pagbibigay ng dahilan sa withdrawal form sa pagbawi ng pirma sa People’s Initiative.

Tiniyak ni Comelec Chairman George Garcia na tatanggapin pa rin nila ang forms kahit na walang nakasaad na reason for withdrawal.

Ginawa ni Garcia ang paglilinaw makaraang kwestiyunin ng mga Senador ang naturan bahagi ng form, sa pagsasabing makagugulo lamang ito sa proseso at dagdag pa sa iisipin ng mga signatory.

Hanggang kahapon ay wala pa ring nagsusumite ng withdrawal form sa poll body.

About The Author