dzme1530.ph

Pagbagsak ng Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela, bubusisiin na ng Senado

Loading

Iimbestigahan na ng Senate Blue Ribbon Committee ang insidente ng pagbagsak ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela nitong Pebrero 17.

Itinakda ang pagdinig sa Biyernes, March 14 na pangungunahan ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Ang pagsisiyasat sa insidente na nagresulta sa pagkasugat ng anim na katao ay kaugnay na rin sa Senate Resolution 1319 na inihain ni Senate Minority Leader Koko Pimentel.

Sisilipin sa pagdinig ang proseso at protocols ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga ipinatatayong imprastraktura mula sa pagpaplano, bidding, pagtatayo, pagiinspeksyon at testing ng public infrastructure projects.

Ito ay upang masilip kung talagang sinusunod ng ahensya ang mga proseso para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Aalamin din sa imbestigasyon ang mga hakbang ng DPWH laban sa mga mapagsamantala at abusadong mga contractors na bigong nakakatupad sa kontrata ng mga proyekto.

About The Author