dzme1530.ph

Pagbagsak ng Cabagan-Santa Maria bridge sa Isabela, pinaiimbestigahan

Loading

Pinaiimbestigahan na ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagbagsak ng Cabagan-Santa Maria bridge sa Isabela.

Isinulong nina Reps. France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel ang House resolution 2249 para sa investigation in aid of legislation sa posibleng anomalya sa konstruksyon ng ₱1.2-B bridge project.

Sa mga unang impormasyon lumilitaw na ‘substandard’ ang mga ginamit na materyales sa pagtatayo ng tulay, may depekto sa design at iba pa.

Nais tukuyin ng Makabayan bloc ang nasa likod ng negligence o kapabayaan na dapat managot.

Bago ang pagbagsak nito noong February 27, sumailalim muna ito sa retrofitting, kaya hindi maiwasang isipin na may anomalya sa pagtatayo nito.

Kabilang sa mga ipatatawag ay ang DPWH at ang private contractors na sangkot sa proyekto.

About The Author