Nanindigan si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi nila papayagan ang pag-aresto sa isang senador sa loob ng Senado.
Sa gitna ito ng apela ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na kanlungin muna siya ng Senado habang hindi pa nareresolba ang hinihingi nilang legal remedies kaugnay sa posibleng pag-aresto sa kanya ng International Criminal Court.
Ipinaliwanag ni Escudero na bahagi na ng institutional courtesy sa Senado ang hindi payagang pumasok ang arresting team sa Senate compound upang arestuhin ang sinumang senador.
Sinabi ng senate leader na ginawa ito ng ilang Senate President sa ilang mga senador na naharap sa kaso sa mga nakalipas na taon.
Tinukoy niyang halimbawa sina dating Senators Juan Ponce Enrile, Leila de Lima at Antonio Trillanes IV gayundin sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Ngunit hindi aniya nila mapipigilan kung aarestuhin ang senador sa labas ng compound ng Senado.